Twitter Updates

    follow me on Twitter

    Monday, April 19, 2010

    Escudero ang top endorser- Pulse Asia

    KUNG iniiwasan ng mga kandidato sa pagkapangulo ang “halik ng kamatayan” ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kaninong endorso ang dapat nilang makuha para lumaki ang tyansa nila sa araw ng halalan?

    Ayon sa Pulse Asia, si Senador Chiz Escudero ang sagot sa tanong.

    Sa isang sarbey na isinagawa ng Pulse Asia para mabatid kung sino pinakamakakaimpluwensiya sa mga botante sa araw ng halalan, 39% ng mga lumahok sa sarbey ang nagsasabi na iboboto nila ang kandidatong inendorso ni Escudero.

    Ang Bikolanong senador ay isa mga nangungunang kandidato sa pagkapangulo kung kaya marami ang nanghinayang nang umatras siya sa karera noong Nobyembre 2009.
      
    Ayon sa sarbey, si Escudero ang lumalabas na pinakamaipluwensiyang indibidwal na nag-i-endorso, mababa ng isang punto sa pinakamaimpuwensiyang institusyonal na nag-i-endorso, ang Simbahang Katoliko, na 40% ng mga lumahok sa sarbey ay nagsasabi na iboboto nila ang kandidatong inendorso ng Simbahan. 

    Isa mga nangungunang nag-i-endorso ay ang popular na television host na si Kris Aquino, ang bunsong kapatid ng kandidato sa pagkapangulo ng Liberal Party (LP) na si Senador Noynoy Aquino, na 31% ng mga lumahok sa sarbey ay nagsasabi na iboboto nila ang kandidatong inendorso ni Kris.

    Mahalaga ang tiwala

    Hindi na dapat ikagulat kung matimbang ang endorso ni Escudero dahil palagi siyang nakakukuha ng mataas na trust ratings sa mga sarbey. Sa hanay ng mga naunang naghayag ng intensiyong kumandidato sa pagkapangulo noong nakaraang taon, si Escudero ang tanging opisyal na hindi bumaba ang trust ratings sa 70%.

    Taglay ang average na 73.8% pagdating sa trust ratings sa mga sarbey na isinagawa sa pagitan ng 2008 at 2009, dinaig ni Escudero ang mga kapwa mambabatas na sina Loren Legarda, Mar Roxas, at Manny Villar.  

    Sa kabilang banda, ang kawalan ng halaga ng endorso ng nakaupong pangulo, ang tinatawag na “halik ng kamatayan”, ay hindi na pinag-uusapan pa dahil na rin sa lubog na trust at satisfaction ratings ng punong ehekutibo. Naitala kamakailan ni Arroyo ng pinakamababang satisfaction ratings sa kasaysayan ng sarbey nang makakuha siya ng -53%. Nasa 51% ng mga lumahok sa sarbey ang nagsasabi na hindi nila iboboto ang sinumang kandidato na inendorso ni Arroyo.  

    Pinatutunayan ito ng mga sarbey: Malayong pang-apat si Gibo Teodoro, ang opisyal na kandidato ng administrasyon; hindi naman maungusan ni Villar ang umaalagwang si Aquino dahil na rin sa mga alegasyon sa una na siya ang sikretong kandidato ni Arroyo na sanhi kung bakit kalat na kalat ngayon ang terminong “Villarroyo.”

    Ang napipintong pormal na pag-i-endorso ni Escudero 

    Kahit hindi pa inaanunsiyo ni Escudero ang pagsuporta niya kay Aquino, marami na ang naiulat na tahimik niyang sinusuportahan ang pambatong kandidato ng LP. Sa katunayan, malaki ang ginagampanang papel ng talentadong grupo ni Escudero na pansamantalang pinatao niya sa media bureau ni Aquino. Lubos ang pasasalamat ni Aquino sa mga suhestiyon at rekomendasyon ni Escudero na nakatulong nang malaki sa kanyang pambansang kampanya.

    “There are also systems that he taught us which we adopted and have been practicing until now,” ani Aquino.

    Ayon kay Aquino, hindi matatawaran ang suportang ibinibigay ni Escudero. Sa katunayan, aniya, si Escudero ang nagplano ng pagsuyod niya sa mga istasyon ng radyo sa Visayas at Mindanao.

    May nasagap mula sa malalapit kay Escudero na maglalabas siya ng sariling advertisements na nag-i-endorso sa mga napili niyang kandidato sa huling dalawang linggo ng kampanya.


    (Una itong nalimbag sa Diyaryo Diretso, ngayong araw ika-20 ng Abril taong 2010)


    0 comments:

    Sociable

    TweetMeme Retweet

    Facebook Share

    HTML Hit Counters
    Web Site Hit Counter

    Somewhere Over the Rainbow - Israel Kamakawiwo`ole