Twitter Updates

    follow me on Twitter

    Monday, March 29, 2010

    Mahirap ba si Manny Villar?

    Manny Villar as a Scavenger
    Pinanganak na mahirap.
    Tunay nga bang pinanganak si Manny na mahirap?

    Ang tatay ni Manny Villar, si Manuel Villar ay isang opisyal ng gobyerno, na may kakayahang mangutang ng P16, 000 upang i-release ang titulo ng kanilang 560-sq. m na lupa sa San Rafael, Navotas. Ang P16, 000 kung susumahin ay katumbas ng P 1.266 milyon ngayon. Kahit saang ahensyang nagpapautang, tinitingnan nito ang kakayahang magbayad ng isang tao, bago nito pautangin. Upang makautang ng P16, 000 ang tatay ni Manny Villar, mayroon itong viable source of income. Kung talagang pinanganak na mahirap si Manny Villar, subukan nga ng isang mahirap ngayon na ayon sa depinisyon ng United Nations, ay nabubuhay sa less than a dollar a day, na mangutang sa GSIS ng P1.266 milyon? Makakautang ba ang isang mahirap ng P1.266 milyon ngayon?


    Sa depinisyon ng isang Nobel Laureate economist Amartya Sen, ang kahirapan ay “powerlessness.” Ito ay hindi lamang problema sa kawalan ng materyal na bagay, bagkus ito ay mas malawak na isyu tungkol sa kawalan ng opportunidad at kawalan ng pagpipilian. Sa pagkamatay ng kapatid ni Manny Villar, makikita mong ang kanyang pamilya ay hindi “powerless” meron itong “opportunity” na ilagak ang kanyang kapatid sa isang hospital ng labintatlong araw; meron silang pagpipilian at pinili nila ang nangungunang hospital nuon sa bansa, ang FEU, at ilibing ang kanyang kapatid sa Funeraria Paz gayong karamihan sa tunay na mahihirap nating kababayan ay pinagluluksa ang kanilang namatay sa kalsada, hindi dahil sa pinili nila ito, kundi wala na silang mapaglagakan.

    Apat na kolumnista na sa iba’t ibag pahayagan ang pumuna sa patuloy na pag-panggap ni Manny Villar bilang isang mahirap. Noong Lunes, inilimbag ng Business World, ang pinakahuling serbey na ginawa ng SWS. Bumulusok ng walong puntos si Manny Villar. Unti-unti nang nagigising ang taumbayan sa kasunangalingan ni Villar.

    Sa isa patalastas ni Villar, may isang boses ng babae, nagtatanong: Na-check mo na ba ang kandidato mo? Nagpatuloy itong magbigay ng kriterya, at hindi nakakapagtakang ‘check’ lahat si Villar. Pero hindi nito tinanong kung genuineo totoo ang kanyang kandidato sa mga pinagsasabi nito. At ngayon, sinukat na si Villar, at siya ay nagkulang.

    Sa Bibliya, tinukso ni Satanas si Jesus. “Mapapasayo lahat ng yaman na ito, sambahin mo lamang ako.” Ngayong halalan sa taong 2010, ganito rin ang pangakong nilalako ni Manny Villar, “Itong yaman ko, mapapasayo, iboto mo lang ako.” Hindi masama ang yumaman, at hindi rin masama ang mangarap, ngunit kapag ang pangako’y binalot sa kasanungalingan, at katahimkan sa anomalya sa pampublikong proyekto, matakot ka: baka nagkukubli ang lobo sa balat ng tupa.

    NOTE: Ito ay personal na opinyon lamang, na nag-batay sa sa sulatin ng dalwang kolumnista, si Solita Monsod "(Awesome claims" GET REAL. Philippine Daily Inquirer, 26 March 2010) at si William Esposo ("How Manny Villar lied and used the death of his brother Danny" AS I WRECK THIS CHAIR. Philippine Starm 27 March 2010)

    0 comments:

    Sociable

    TweetMeme Retweet

    Facebook Share

    HTML Hit Counters
    Web Site Hit Counter

    Somewhere Over the Rainbow - Israel Kamakawiwo`ole